Ano Ang Kahalagahan Ng Ekonomiks Bilang Mag-Aaral???

Ano ang kahalagahan ng ekonomiks bilang mag-aaral???

Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomika dahil makatutulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon. Napapakinabangan din ito ng mga mag-aaral sa kanilang araw-araw na buhay. Halimbawa na lang sa pagpasok sa paaralan gamit ang apat na mahahalagang konsepto ng eknomiks:

1. Trade-off - ML o Paggawa ng assignment?

2. Oppurtunity Cost - Kapag pinili ko ang maglaro ng ML imbis na gumawa ng assignment, tataas ang rank ko sa ML pero wala akong matututunan na pangunahing dahilan kung bakit nagbibigay ng assignment ang mga teacher.

3. Incentives - Kapag pinili ko ang maglaro ng ML, mapapagalitan ako nila mama at papa dahil babad na babad ako sa cellphone/computer. Kapag pinili ko namang gumawa ng assignment, maaari akong makakuha ng mataas na marka at pwedeng madagdagan ang baon ko tulad ng pangako ni mama at papa.

4. Marginal Thinking - Sa paglalaro ng ML, kailangan kong tipirin ang dapat pambili ko na lang ng pagkain sa eskuwelahan para makapagpa-load at makapag-data dahil binago ni mama ang password ng wifi. Sa paggagawa naman ng assignment, hindi ako mapapagalitan ng teacher o di kaya naman hindi ako magagahol sa oras sa pangongopya ng sagot ng seatmate ko na kinopya niya rin naman, at mali pa.


Comments

Popular posts from this blog

Some Of The Problems That You Encounter That Involves Environment., (I Need Your Opinions)

Mga Kultura Tradisyon At Paniniwala Sa Veitnam