Mga Kultura Tradisyon At Paniniwala Sa Veitnam
Mga kultura tradisyon at paniniwala sa veitnam
Answer:
Makikita sa mga bansang Buddhist, partikular sa Timog Silangang Asya, na hindi lamang personal na kaligtasan ang mahalaga kundi pagpapabuti sa kondisyon ng pang – araw – araw na pamumuhay.
Malaki rin ang epekto ng Buddhism sa mga patakarang pambansa. Kadalasang nangunguna ang mga mongheng Buddhist sa mga protestang pulitikal.
Sa Vietnam, naging aktibo ang mga monghe sa pagiging nasyonalista ng mga Vietnamese. May mga naglalabang partidong pulitikal na Buddhist.
Isang katibayan ng pagiging aktibo ng mga Buddhist sa isyung pulitikal at panlipunan ay ang tanyag na pagsunog sa sarili (self-immolation) ng mongheng Buddhist na si Thich Quang Duc noong 1963.
Ginawa niya ito, katulong ang dalawa pang mongheng nagbuhos ng gasolina sa kanyang katawan, sa isang abalang sangandaan sa Saigon (ngaon ay Ho Chi Min City), Vietnam.
Ito ay bilang protesta sa mapaniil na patakaran ng Kristiyanong rehimen ni pangulong Ngo Dinh Diem laban sa mga Buddhist sa Vietnam.
Sa mga liham ni Thich Quang Duc sa pamayanang Buddhist gayundin sa pamahalaang Kristiyano bago naganap ang insidente, hiniling niyang alisin ng rehimen ang mga restriksyong ipinataw nito sa mga Buddhist gaya ng pagbabawal sa pagwagayway ng kanilang bandila at ang pagpapakulong sa kanila.
Sinasabing ang naturang insidente ay lalong nagpasidhi ng damdaming Buddhist at nagbigkis sa mga naniniwala sa relihiyong ito.
Humantong ang mga protestang ito sa pagpapatalsik sa rehimeng Diem sa South Vietnam noong 1963.
Comments
Post a Comment